Mahalaga ang tiwala ng taumbayan sa proseso at sa magsasagawa ng pag amiyenda sa saligang batas.
Ayon ito kay Senador Bam Aquino kaya’t para mapalakas ang tiwala ng publiko sa proseso, dapat maisabatas ang panukalang Anti Dynasty Law bago amiyendahan ang 1987 Constitution.
Sinabi ni Aquino na mismong si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na aniya ang nagsabing bigyang pansin at tugunan ang nasabing isyu ng mga nagsusulong ng Federalismo.
Naniniwala si Aquino na ang mahalagang proseso tulad ng Constitutional Change ay hindi dapat madaliin at mabuting idaan ito sa Con Con o Constitutional Convention na mas katanggap tanggap sa bayan kaysa Con Ass o Constituent Assembly na binubuo ng mga pulitiko.