Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol Regional Director Zenaida Campita na mas mapapabilis ang proseso ng pagtaas ng minimum wage sa Region 5.
Sa isinagawang pulong ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board- Bicol, sinabi ni Campita na hindi gaya sa ibang rehiyon ay diretso na sa public hearing ang usapin sa wage increase at wala nang isasagawang konsultasyon.
Nabatid na sa Abril a-26 at a-28 nakatakda ang public hearing sa lungsod ng Naga at Albay. —sa panulat ni Airiam Sancho