Gumugulong na ang proseso para sa pamamahagi ng second tranche ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inilabas na ng Office of the Executive Secretary ang direktiba hinggil dito.
Makakasama na anya sa second tranche ang 5-milyon pang beneficiaries na ipinadagdag ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama na po dyan ‘yung limang milyon na mga bagong pangalan na bibigyan po ng ayuda at ‘yung 12-million na dati nang nakakuha po during the first tranche. Ang pagkakaiba po ay gagamitan natin ng electronic ways para magbayad doon sa ating mgakababayan at tutulong na po ang Hukbong Sandatahan sa pagdi-dsitribute ngayuda,” ani Roque.