Inaasahang mas magiging mabilis na ang pagproseso ng mga lisensya at iba pa sa Land Transportation Office (LTO).
Ito’y matapos ilunsad ng LTO ang bagong digital governance solution mula sa German technology company.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, magiging centralized na at digitized ang lahat ng impormasyon ng ahensya mula sa headquarters sa Metro Manila.
Dahil ditto, mas magiging madali na para sa mga empleyado ng ahensya na magkaroon ng access sa mga kinakailangang impormasyon ng isang indibidiwal na kumukuha ng serbisyo sa kanila at mabilis na maiproseso ang lahat ng mga dokumentong kinakailangan nito.