Makikipag-pulong ang National Food Authority (NFA) sa mga bansang Cambodia, Thailand at Vietnam sa darating na Biyernes.
Ito ay para pag-usapan ang pag-aangkat ng bigas ng Pilipinas sa naturang mga bansa.
Ayon kay NFA Spokesman Angel Imperial, target ng pamahalaan na makapag–import ng may 250,000 metriko toneladang bigas kasabay ng nalalapit na lean months.
Ipinaliwanag ni Imperial na malaki ang maitutulong ng aangkating bigas upang di aniya masyadong tumaas ang presyo nito sa merkado.
By Ralph Obina