Babaguhin ng Philippine National Police o PNP ang proseso nila ng pag–accredit sa mga miyembro ng media na nagko–cover sa Kampo Crame.
Ito ay makaraang umalma ang ilang miyembro ng media sa ginawang pagpapa-imbestiga sa ‘identity’ nila.
Batay sa guidelines ng Public Information Office (PIO), sinabi ni PNP Spokesman Police Chief Superintendent John Bulalacao na lahat ng media mula sa iba’t ibang networks na na-accredit para mag–cover sa PNP ay dumadaan sa ‘verification process’.
Una dito, umalma ang ilang mga reporter makaraang mabatid na nagtungo ang mga pulis na mula sa Intelligence sa kanilang mga barangay at ipinagtanong ang kanilang pagkakakilanlan.
Matatandaang tiniyak ni PNP Chief Ronald Dela Rosa noong nakaraang buwan na wala silang panahon na magsagawa pa ng ‘background check’ sa mga miyembro ng media dahil abala pa aniya sila sa paghahanap sa National Democratic Front (NDF) consultants na may kautusan mula sa Korte na arestuhing muli ang mga ito.