Asahan na ang mas mabilis na proseso ng pag-release ng mga tulong medikal ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa ilalim ng revised Individual Medical Assistance Program o IMAP.
Ito, ayon kay PCSO General-Manager Jose Ferdinand Rojas, ay dahil wala ng isasagawang interview ang kanilang mga opisyal sa mga pasyenteng humihingi ng tulong.
Ang importane lamang aniya ay ibigay ng mga pasyente ang kanilang requirements gaya ng medical abstract upang makapag-avail ng medical assistance mula sa PCSO.
Layon nito na mabawasan ang mahabang pila ng mga pasyente na kadalasang inaabot ng ilang araw bago makapag-avail ng assistance.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)