Bukod sa iligal na droga, nabunyag na talamak din ang prostitusyon sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Batay sa salaysay ng mga dating bilanggo na nakalaya na, lantarang inilalako ang mga bayarang babae sa loob ng penitentiary compound na animo’y isda.
Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng pera sa loob ng bilangguan, nangyayari ang transaksyon sa pamamagitan ng fund transfer sa mga bangko.
Isa rin anila itong paraan para makapagpasok ng droga sa loob dahil kalimitan itong ipinapasok sa ari ng mga babae upang hindi makumpiska o mabuking ng mga bantay.
Ibinunyag din ng mga nakalayang dating preso na protektado ng ilang jail guards at opisyal ng gobyerno ang talamak na VIP treatment sa loob ng Bilibid.
By Jaymark Dagala