Maglulunsad ng Protection Center para sa kababaihan, kabataan at LGBTQ members ang pamahalaang lokal ng Mandaluyong.
Ito ay para bigyang tugon o matulungan at mabigyan ng kanlungan ang mga nasabing gender na nabiktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, ang Mandaluyong City Protection Center for Women, Children & LGBTIQ ay itatayo sa Dr. Fabella Street sa barangay Mauway na pangungunahan ng Gender and Development Office ng Mandaluyong, City Engineering, City Planning Office, at ng National Center for Mental Health.
Layunin ng lungsod na maprotektahan ang kapakanan ng bawat kasarian at matiyak na ang mga kabataan ay nagagabayan nang maayos kasabay ng pagiging responsable ng mga magulang para sa kanilang mga anak. —sa panulat ni Angelica Doctolero