Muli na namang nag trending worldwide o sa buong mundo si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ilang minuto lamang matapos mabalita ang pagpapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Sotto dahil sa umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, kaagad napasama ang #ProtectVico sa global Twitter trends na mayruong mahigit 170,000 tweets.
Bukod sa suporta sa alkalde na anila’y nagsisilbi lamang sa kaniyang constituents, kinuwestyon ng netizens ang gobyerno kung bakit tila tinitira si Vico gayung mayruong matitinding problema na dapat pagtuunan tulad ng kagutuma dahil sa enhanced community quarantine.