Tiniyak ni Iranian President Hassan Rouhani ang proteksyon at seguridad sa foreign missions.
Kasabay nito ang pagpapanagot sa mga responsable sa pag-atake sa Saudi diplomatics sa pamamagitan ng serye ng mga mensaheng nai-post sa kanilang twitter account.
Sinisisi ni Rouhani ang extremist individuals sa nasabing pag-atake kung saan tinarget ng mga rebelde ang Saudi Embassy sa Tehran at konsulada sa Northeastern City ng Mashhad.
Kasunod ito nang pag-execute ng Saudi arabia sa mga prominenteng Shi’ite Cleric Nimr Al Nimr.
Kinondena ni Rouhani ang Saudi arabia execution na aniya’y paglabag sa karapatang pantao at Islamic values.
By Judith Larino