Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiniyak sa kanya ni Chinese President Xi Jinping ng China ang proteksyon sakaling may nagtangkang patalsikin siya sa kapangyarihan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Philippine Rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas malapit sa dalampasigan ng Aurora Province.
Ayon sa Punong Ehekutibo, binanggit sa kanya ni Xi ang issue nang magkita sila sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China.
Magugunitang nanalo ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa inihaing kaso ng administrasyong Aquino laban sa Tsina kaugnay sa pag-angkin sa ilang bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin din ng Pilipinas.
—-