Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na masisiguro ang proteksyon ng mga mamamahayag sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9 matapos magtalaga ang Philippine National Police ng “media security vanguards”
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, sa pamamagitan nito ay mababawasan aniya ang mga karahasan laban sa media workers.
Dagdag pa niya, maraming mamamahayag ang nakatanggap ng banta sa buhay sa mga nakalipas na taon at ang ilan ay pinaslang kung saan ito ay itinuturing na malaking dagok sa press freedom.
Maaari namang makipag-ugnayan sa pnp ang isang media worker na nakatanggap ng banta para sa kanilang seguridad. —sa panulat ni Airiam Sancho