Bibili ng halos 100 patrol boats ang Pilipinas para protektahan ang karagatan ng bansa.
Karamihan sa mga barko ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez ay mapapasakamay na ng gobyerno sa taong ito.
Tiniyak ni Perez na lalakas pa ang kampanya ng bansa laban sa mga poachers partikular ng mga mangingisdang Tsino at Taiwanese ngayong madaragdagan na ang 20 patrol boats.
Kasabay nito, ipinabatid ni Perez na humihingi rin sila ng pondo pambili ng 10 malalaking barko na magpa-patrolya rin sa malalayong karagatan.
By Judith Larino