Ikinalugod ni ACT OFW Partylist Representattive Aniceto John Bertiz ang nilagdaang kasunduan sa 31st ASEAN Summit na magbibigay proteksyon sa karapatan ng mga migrant workers sa rehiyon.
Ayon kay Bertiz ang nasabing kasunduan ay nagpapakita ng vision ng ASEAN na isang komunidad na puno ng pagmamalasakit at pagdadamayan.
Nagpapakita rin aniya ito na ang ASEAN Region ay isang mahusay na halimbawa ng pagkakaisa ng bawat bansang nagbibigay ng trabaho at nagpapadala ng mga manggagawa para matiyak ang karapatan ng mga migrant workers.
Kasabay nito, pinapurihan din ni Bertiz si Pangulong Rodrigo Duterte, Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development sa kanilang pagsisikap para malagdaan ang nasabing kasunduan.
Inaabot din ng sampung taon bago napagtibay ang nasabing kasunduan matapos i-adopt ng ASEAN Declaration on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Worker noong 2007.
SMW: RPE