Gumagawa na ng hakbang ang National Commission for the Culture and the Arts o NCCA upang maprotektahan ang interes ng mga lumad sa Surigao del Sur.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Trixie Angeles, legal counsel ng NCCA, na handa ang ahensya na lumikha ng mga polisiya na angkop sa kahabag-habag na kalagayan ng mga katutubong lumad.
Nanawagan din si Angeles sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na magtuwang sa pagtatanggol sa mga lumad o mga indigenous people laban sa mining at logging activities na banta sa kanilang komunidad at lupain.
“Nananawagan po ang Pambansang Komisyon para sa Sining at Kultura, na mag take na ng action ang appropriate government agencies sa pag protekta ng mga lumad…Malinaw na from the start NCCA has been opposed to any mining activities in the area, not even leaving the ancestral domain but in areas clear or approximately leaving the ancestral domain,” pahayag ni Angeles.
By: Jelbert Perdez