Isasama na sa isusulong na panukalang batas kaugnay sa mga app-based riding services ang probisyon na magbibigay ng proteksyon hindi lamang sa mga mananakay kundi maging driver partners.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Public Services Chairman Grace Poe kasabay ng pagkundena sa pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.
Ayon kay Poe, kanyang ikinalulungkot na sa nakaraang mga buwan at naging target na ng mga kriminal ang driver partners ng Transport Network Vehicle Services o TNV’s tulad ng Grab at Uber.
Dagdag pa ni Poe, suportado nila ang planong gawing institutional sa sistema ng TNV’s ang mga karagdagang hakbang makatutulong para sa beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga pasahero lalo na ng mga nagbo-book sa gabi.