Nangako ang labor department ng Hong Kong Sa patuloy na proteksyong ibibigay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kanilang bansa sa gitna ng pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), ipinaalala na nito sa mga employer ng mga OFWs ang kanilang legal na obligasyon na alagaan ang kanilang mga empleyado kahit nahawa sa COVID-19.
Hindi naman ito-tolerate ng Hong Kong ang pagtanggal ng employer sa kanilang empleyado kapag nagpositibo sa virus.
Sa oras na lumabag sa kautusan, mahahatulan ang mga employer ng pagkakakulong at multang aabot sa 100,000 dolyar. – sa panulat ni Abby Malanday