Kailangan magpatupad ng batas na magbibigay proteksiyon sa mga manggagawang nasa maliliit na negosyo.
Sinabi ni Department of Labor and Employment assistant secretary Dominique Tutay, karamihan sa mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya ay mas pinili na lamang magtayo ng sariling online business.
Aniya, dapat masiguro ang proteksiyon para sa mga manggagawa lalo na’t walang batas para sa digital platform workers.
Samantala, base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, nasa mahigit 3.8 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Agosto kumpara sa naitala noong Hulyo na nasa 3.7 milyon lamang.