Muling nagsagawa ng camp protest ang isang grupo ng mga kabataan sa labas ng punong tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City.
Sa pangunguna ng Anakbayan Group, ipino-protesta ng mga estudyante ang implementasyon ng kontrobersiyal na K to 12 Program.
Giit ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo, nais nilang iparating kay incoming president Rodrigo Duterte na ang K to 12 Program ay pahirap sa mga estudyante at mga magulang.
Nakiisa rin sa kilos-protesta ang Kabataan Partylist, National Union of Students of the Philippines, College Editors’ Guild of the Philippines, at League of Filipino Students.
Magugunitang nagkagirian kahapon ang mga raliyista kung saan isang sekyu at isang pulis ang nasugatan.
By Jelbert Perdez