Sinilaban ng mga nagpoprotestang mamamayan ng Guatemala ang kongreso bilang bahagi ng malawakang protesta laban sa kanilang pangulo na si Alejandro Giammattei.
Halos matupok ang gusali nang sumugod ang mga galit na aktibista at sinilaban ito habang iwinawagayway ang watawat ng kanilang bansa.
Ipinanawagan din ng mga protesters ang pagbibitiw sa puwesto ni Giammattei.
Kasabay nito, nanawagan din ang mga demonstrador kay Giammattei na i-veto ang naaprubahang national budget dahil lalo lamang umanong nababaon sa utang ang pamahalaan habang halos walang pondo para sa healthcare, edukasyon at justice system.