Wala na umanong makakapigil pa sa kilos protesta ng health care workers para igiit ang mga benepisyong ipinangako ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon ito kay Jocelyn Andamo, Secretary General ng Filipino Nurses United (FNU).
Ipinabatid ni Andamo na kumukunsulta na sila sa mga abogado para sa posibleng mga kasong isasampa laban sa mga opisyal ng DOH.
Marami aniyang buhay ang nawawala dahil sa kawalan ng resources, pondo at maging accessible na serbisyo na patunay lamang ng criminal neglect.
Binigyang diin ni Andamo na hindi excuse ang pandemya para hindi tuparin ng gobyerno ang obligasyon nto sa kada Pilipino na i-enjoy ang karapatan nito sa kalusugan.