Nanindigan ang mga Lumad mula Mindanao na kanilang ipagpapatuloy ang protesta sa Maynila sa kabila ng mahigpit na seguridad para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, ngayong linggo.
Gayunman, pinaalis sa Liwasang Bonifacio ang tinatayang 700 demonstrador na karamiha’y Lumad bilang bahagi ng clearing operations para sa APEC.
Pansamantalang nagkakampo ang mga Lumad sa Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque City matapos maantala ang kanilang protestang tinaguriang “Manilakbayan.”
Ayon kay Manilakbayan Spokesperson Datu Jomorito Goaynon, mas determinado silang ituloy ang kanilang aksyon bilang pagpapakita ng galit laban sa pagbaliwala ng Aquino administration sa mga issue ng lumad partikular ang militarisasyon at pag-atake sa kanilang mga komunidad.
Bagaman pinaligiran ng mga pulis ang simbahan upang hindi umano makalabas ang mga demonstrador, itinanggi naman ni Parañaque Police Chief, Senior Supt. Ariel Andrade ang naturang ulat.
Idineploy anya ang mga pulis sa naturang lugar upang i-monitor ang APEC route at paalisin ang mga illegal vendor.
By Drew Nacino