Kasado na ang protesta ng mga Pilipino na nasa iba’t ibang estado ng Amerika bilang pagkondena sa anila’y tumitinding kaso ng hate crimes laban sa mga asyano sa nasabing bansa.
Ayon sa SOCCSKSARGEN group ng mga Pinoy-Americans sa Estados Unidos, daan-daan ang inaasahan nilang sasali sa protesta sa Sabado, ika-10 ng Abril, para ipanawagang itigil na ang mga karahasan laban sa mga Asyano sa Amerika na ang ilang pag-atake ay ikinamatay na ng mga biktima.
Sinasabing maraming Asian-Americans ang nasa state of trauma at takot na lumabas sa kanilang mga bahay dahil sa posibilidad na ma-bully rin ang mga ito.
Samantala, dahil naman sa tumataas na kaso ng hate crimes, nagkakaubusan na umano sa New York ng pepper spray na panlaban ng mga Pinoy at iba pang Asyano sa gagawa ng karahasan sa kanila.