Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na tadtad ng mga inconsistencies ang inihaing protesta laban sa kaniya ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ito ang nakasaad sa mahigit 100 preliminary conference brief na isinumite ng kampo ng Bise Presidente sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal.
Ayon sa mga abogado ni ginang Robredo, tila dinidiktahan umano ni Marcos ang high tribunal na ideklara siyang panalo sa nakalipas na halalan gayung hinihiling nito na ipawalang bisa ang resulta niyon.
Kasunod nito, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na sinisira umano mismo ni Marcos ang kaniyan protesta dahil ang kinukuwesyon niyang posisyon ang siyang nais niyang makuha.
By: Jaymark Dagala