Mahigit limandaang (500) katao ang nagprotesta sa kasagsagan ng inagurasyon ni 45th US President Donald Trump.
Suot ang itim na face masks, idinaan ng protesters ang kanilang pagtutol kay Trump sa pamamagitan ng vandalism, pagmamartsa at pagbabasag ng mga bintana ng GA establishment at saakyan sa Washington.
Kabilang sa mga binasag ng protesters ang salamin ng Mc Donalds at isang branch ng Bank of Amerika na anila’y sumisimbolo sa kapitalismo sa Amerika.
Nagresulta ito sa kaguluhan at nakaabala sa trapiko sa Washington matapos awatin ng mga pulis ang protesters gamit naman ang tear gas at stun grenades.
Limampu (50) katao ang dinampot ng mga awtoridad na nagsabing maraming iba pa ang kakasuhan nila.
Bukod sa Amerika, nagkaruon din ng protesta sa Tokyo at London habang nagdiwang naman sa inagurasyon ni Trump ang Russian nationalists sa Moscow.
Ayon naman sa mga international observers kapansin-pansin ang kakaunting bilang ng mga dumalo sa inagurasyon ni Trump kumpara sa tinatayang dalawang (2) milyon katao na dumalo sa inagurasyon ni dating President Barack Obama noong 2009.
By Judith Larino