Inatake ng mga vandals sa Santiago, Chile ang tatlong simbahan.
Ang paghahagis ng bomba ng mga suspek na nakasira sa mga simbahan ay pagbabanta umano sa Santo Papa na nakatakdang bumisita rito sa susunod na linggo.
Nagpakalat din ng mga pamphlet ang mga vandals matapos silaban ang isa sa mga simbahan sa capital city bago tuluyang tumakas.
Nakasaad sa isa sa mga pamphlet ang babala kay Pope Francis hinggil sa bombang nasa robe nito.
Kinondena naman ni Interior Minister Mahmud Aleuy ang insidente bagamat karapatan aniya ng sinumang mag-protesta subalit ibang usapan na kung gagamit ng karahasan.
Inaasahang mahigit kalahating milyong tao ang makikiisa sa isasagawang misa ng Santo Papa sa Santiago Park, kinabukasan matapos niyang dumating sa Chile sa Lunes.
Kasabay nito ang mga protesta sa usapin ng indigenous rights maging sa sexual abuse scandal na kinakaharap ng Simbahang Katolika.
—-