Nagdeklara ng suporta sa gobyerno ang ilang transport group laban sa ikinakasang tigil-pasada ng grupong manibela kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
Pinangunahan ang aktibidad kontra transport strike ng magnificent 7, partikular ng pasang masada at iba pang pinaka-malalaking transport group sa bansa.
Nanindigan ang pasang masda na hindi dapat magpa-hostage ang gobyerno sa banta ng manibela na paparalisahin ang biyahe ng mga jeep sa ilang kalsada sa Metro Manila simula July 24 hanggang 26.
Ayon kay Pasang Masda President Roberto “Ka Obet’’ Martin, hindi sila patitinag sa isang tao lang at hindi makikiisa sa tigil pasada.
tiniyak naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board na handa nilang harangin ang mga jeepney driver at operator na lalahok sa transport strike.