Ikinakasa na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang protocol kontra sa haze.
Ito’y kahit pa opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Pilipinas na ligtas na sa panganib at banta ng haze mula sa nasusunog na kagubatan ng Indonesia.
Ayon kay NDRRMC Executive Dir. Alexander Pama, isasama nila ang protocol na ito sa pre-disaster risk assessment plan ng gobyerno.
Aminado rin si Pama na wala sa kanilang mga inihandang plano ang mga paghahanda kontra sa haze o ang pinagsamang alikabok at usok na bumabalong sa kalangitan.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal