Nakalatag na ang protocol ng Leyte para sa mga magbabalik-probinsya batay sa inilabas na executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Leyte Governor Leopoldo Petilla, ang provincial government muna ang tatanggap sa mga magbabalik probinsya para idaan muna sa testing upang matiyak na ligtas ang mga ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kung wala anyang magiging problema ay ililipat na sila sa kanilang pupuntahang bayan.
Gayunman, hindi inaalis ni Petilla na posibleng may mga bayan sa Leyte na hindi bukas sa mga magbabalik probinsya lalo na ang mga mula sa Metro Manila na syang epicenter ng COVID-19 sa bansa.
“Halimbawa may mga estudyante na naabutan ng lockdown, siguto itong mga kabataan na ‘to medyo namemeligro din ‘yan, so, mas maigi pa na pauwiin natin in a controlled environment,” ani Petilla. —sa panayam ng Ratsada Balita