Magtatakda ang Commission on Elections (COMELEC) ng protocol na susundin sa paghahain ng mga sagot o petisyon sa korte.
Layon nito na hindi na maulit ang gusot na dala nang maghain si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ng sagot sa kaso ni Senador Grace Poe sa Korte Suprema kahit walang lagda ng Chairman at hindi umano napag-usapan sa En Banc.
Iginiit ni COMELEC Chairman Andy Bautista na ang tanging ginawa nila sa En Banc noong January 5 ay atasan si Guanzon na gumawa ng draft comment sa tatlong petisyon laban kay Poe sa Korte Suprema.
Dedesisyunan na rin ng COMELEC En Banc kung mayroong bisa ang inihaing sagot ni Guanzon sa Korte Suprema.
By Len Aguirre