Magkakasa na ng protocol ang mga ahensya ng gobyerno kapag lumala pa ang epekto ng haze sa bansa.
Ipinabatid ito ni Environment Secretary Ramon Paje matapos nilang mapagkasunduan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbuo ng protocol kaugnay sa haze.
Ang haze aniya ay isa na sa mga concern ng NDRRMC na kailangang paghandaan.
Kabilang naman sa mga apektado ng haze na mula sa forest fires sa Indonesia ang Palawan, Cebu, Leyte, Davao, General Santos, Cotabato, Bacolod, Bohol, Iligan at Legazpi.
Si Paje ay kinatawan ng Pilipinas sa emergency meeting ng ASEAN leaders para tutukan ang problema sa haze.
By Judith Larino