Mahigpit na minomonitor ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang training ng mga varsity player bilang pagtalima sa health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan sa gitna ng alert level 3.
Matatandaang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga varsity team na magkaroon ng face-to-face training o ipagpatuloy ang kanilang training sa ilalim ng bubble set-up pero kailangan na ang mga atletang lalahok ay mga fully vaccinated.
Bukod pa dito, kailangan din na masunod ang ipinatutupad na guidelines na inaprubahan ng Local Government Units, CHED, DOH at IATF kabilang na dito ang RT-PCR test at rapid antigen test na may negatibong resulta.
Target ng UAAP na masimulan ang 84th season nito sa First Quarter ng 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero