May hamon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mananampalataya.
Sa kanyang talumpati sa National Science and Technology week sa Davao City, inihayag ni Pangulong Duterte na bagaman naniniwala siyang may Diyos, dapat itong patunayan.
Ayon sa Pangulo, kung mayroong makapagbibigay sa kanya ng ebidensya o saksi na magpapatunay sa pag-iral ng ‘dakilang lumikha’ ay handa siyang bumaba sa puwesto.
Sabi ko dala kayo rito ng one, only one, sabihin niya mayor, utos kasi ng ugok diyan sa Simbahan na, mayroon talaga po, ito may picture kami, selfie.. You do that one day, one single witness that there is a guy who is able to talk and see God, ladies and gentlemen I will announce my resignation. Pahayag ni Pangulong Duterte
Samantala, muling binatikos ng Punong Ehekutibo ang Simbahang Katolika partikular ang pangongolekta nito ng pondo mula sa mga mananampalataya.
God is universal mind.. Kayong mga ugok na.. tumutulong sa tao, bakit kami ang nagbibigay ng pera sa inyo? Dagdag ni Pangulong Duterte