Patay ang isang Provincial Board Member ng 2nd district ng Masbate makaraang pagbabarilin kahapon.
Dakong alas 4:00 ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin sa Barangay Kinamaligan, Masbate City ang biktimang si Dionne Lopez.
Agad namang nakatakas ang dalawang lalaki lulan ng motorsiklo.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Masbate Provincial Police upang matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang at motibo sa krimen.
SMW: RPE