Sinuspinde ng National Board of Canvassers o NBOC ang pagbibilang ng mga boto mula sa lalawigan ng antique.
Ito’y kasunod ng argumento ng kampo ni Vice Presidential Candidate Senator Bong Bong Marcos na mayroon umanong discrepancy sa Physically Delivered at Electronically Transmitted results sa nangyaring botohan sa nabanggit na lalawigan.
Kaugnay nito, inatasan ni Senate Canvassing panel Chairman Koko Pimentel ang Provincial Board of Canvassers na magpaliwanag sa kanila ukol sa nasabing discrepancy bukas ng alas-dos ng hapon.
Una rito, nagpasya ang Kongreso na ipagpaliban ang canvassing of votes sa Ilocos Sur, Davao del Norte at Laguna dahil pa rin sa discrepancies.
By Meann Tanbio