Halos walang epekto ang pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA para mabawasan kahit paano ang bigat ng daloy ng trapiko rito.
Ito ayon kay dating LTO Chief Alberto Suansing ay batay na rin sa ginagawa nilang simulation.
Sinabi sa DWIZ ni Suansing na ang talagang nagiging problema sa trapiko sa EDSA ay city bus na nag-uunahan sa pagkuha ng mga pasahero.
Sa aming simulation na ginagawa halos walang epekto, e, ‘yung halimbawa ‘yung pipigilan mo, no. Kasi, ilan lamang ba ang provincial buses na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA at any given time. So, well, ang primarily sanhi pa rin ng traffic, kung halimbawa ang pag-uusapan ay mga bus is ‘yung mga nagba-balagbagan na mga buses, hindi provincial, kung ‘di ‘yung mga city buses na nakikipag-unahan sa mga pasahero. Binabalagbag nila ‘ynug kanilang mga bus.
(Balitang Todong Lakas Interview)