Kinuwestyon ng ilang kongresista ang plano ng MMDA na ipagbawal sa EDSA ang mga provincial bus.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Ako Bicol Party list representative Alfredo Garbin na malaking katanungan sa kaniya ang naging batayan ng MMDA para ipatupad ang nasabing hakbangin.
Muli namang dumipensa sa nasabing hakbang si MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija.
Ayon kay Nebrija, hindi nila tina-target ang provincial buses nang sinubukang ipatupad ang ban sa mga ito kun’di ang 47 provincial bus terminal na nakakalat sa EDSA.
Naniniwala aniya silang ang terminal ay nagsisilbing magnet para sa lahat ng mga aktibidad na nagiging dahilan ng congrestion o pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Binigyang diin pa ni Nebrija na ang mga pasaherong nanggagaling sa mga bus terminal sa EDSA ay kukuha rin ng taxi o sasakyan sa kanilang sariling kotse na magpapabigat pa sa daloy ng trapiko sa EDSA dahil wala naman aniyang itinalagang lugar kung saan maaaring makapag-park ng mga sasakyan.