Umarangkada ngayong araw ang provincial bus ban sa EDSA ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ito’y kung saan ang mga provincial bus galing ng South ay hanggang Pasay City na lamang habang ang mga bus naman na galing ng North ay papayagan na lamang bumiyahe hanggang Cubao sa Quezon City tuwing rush hour.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, layon ng nitong mabawasan ang mga bumibiyaheng sasakyan sa EDSA.
Ipinaalala ni Pialago na may multang dalawanlibong piso (P2,000) ang mga lalabag sa naturang kautusan.
Ang provincial bus ban sa EDSA ay iiral tuwing alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
“We’re expecting to reduce at least a thousand provincial buses malaking tulong po ‘yun, pero hindi po natin ini-expect na ang HOV lane dry run ay susunod na ang mga kababayan natin so hindi pa natin mararamdaman ang impact dun sa HOV lane, kapag pareho na silang ini-implement ay doon po siguro natin mas mararamdaman ang epekto, but regarding the speed target po natin 31 kilometer per hour.” Ani Pialago
Samantala, ngayong araw din sinimulan ng MMDA ang dry run para sa high occupancy vehicle o HOV lane na nagbabawal sa mga sasakyang bumiyahe sa EDSA na iisa lamang ang sakay.
“Kapag sumunod tayo sa dry run makikita natin ang epekto ng policy, doon natin makikita kung effective or not.” Pahayag ni Pialago
(Balitang Todong Lakas Interview)