Pinapayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus, na dumaan sa EDSA ngayong Semana Santa.
Ayon sa MMDA, binigyan nila ng permiso ang mga nasabing bus na dumaan sa EDSA simula Lunes Santo hanggang linggo ng pagkabuhay para makatulong sa mga pasahero na uuwi ng kani-kanilang probinsya.
Paglilinaw ni MMDA Chairman Romando Artes, maaaring dumaan ang mga PUBs sa nasabing kalsada sa Lunes at Martes mula 10 p.m. gabi hanggang 5 a.m. at pagsapit ng Miyerkules hanggang Linggo ay papayagan na ang mga ito buong araw.
Samantala, suspendido naman ang number coding sa National Capital Region sa Huwebes at Biyernes Santo. – sa panunulat ni Katrina Gonzales – sa ulat mula kay Gilbert Perdez ( Patrol 13)