Malabo pa ring makabiyahe papasok sa Metro Manila ang mga provincial bus sa pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) simula Lunes, Hunyo 1.
Sa panayam ng DWIZ kay Department of Transportation (DOTr) senior consultant Alberto Suansing, gagamitin pa rin kasi ang mga nasabing bus upang ihatid ang mga OFWs sa kani-kanilang mga lalawigan.
Gayunman, sinabi ni Suansing na maaari pa rin namang bumiyahe ang mga pribadong sasakyan patungo sa mga probinsya basta’t authorized persons outside residence (APOR) ang sakay ng mga ito.
Sa pagsisimula ng GCQ, ang mga pangunahing mass transport tulad ng LRT lines 1 at 2, gayundin ang MRT, saka susunod ang mga city buses na maghahatid naman dito ng mga pasahero.
Maliban sa mga provincial bus, sinabi ni Suansing na hindi pa rin muna papayagang makapasada ang mga jeepney dahil inuuna munang patakbuhin ang mga sasakyang mayruong high capacity rate sa mga pasahero.