Hindi na papayagang makapasok ng Metro Manila ang mga provincial bus at mga jeep na may ruta sa probinsiya sa ilalim ng ipinatutupad na isang buwang community quarantine.
Ayon kay Transportation undersecretary Artemio Tuazon Jr., kinakailangan nang pababain ng mga provincial bus at jeep ang kanilang mga pasahero sa mga itinakdang drop off point sa labas ng Metro Manila.
Sasaluhin naman aniya ito ng mga city buses at jeepney para naman maihatid papasok ng National Capital Region (NCR).
Dagdag ni Tuazon, sa mga nabanggit na drop off point at checkpoints naman susuriin ang temperatura ng mga pasahero at kanilang ipakikita ang patunay na pagtatrabaho o layunin ng patungo sa Metro Manila.
Itinakda naman ang drop off point ng mga manggagaling nag northern luzon sa Bocaue,Bulacan habanng saa Sta. Rosa, Laguna naman ang mga magmumula ng Southern Luzon.