Nagpatupad ng lockdown sa Provincial Capitol ng Cebu matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 15 empleyado nito.
Ayon sa Cebu Provincial Government suspendido simula ngayong araw na ito, July 1 hanggang July 3 ang person to person transactions sa kapitolyo para makapagsagawa ng full disinfection protocol sa pasilidad.
12 mula sa 15 empleyado ng Cebu Capitol na nag positibo sa COVID-19 ay mula sa Cebu City dalawa mula sa Mandaue City at isa sa Talisay City.