Patay ang provincial election supervisor ng Bukidnon dahil sa isang aksidente.
Sa report, minamaneho ni Atty. Stalin Baguio ang kaniyang sasakyang sakay ang isa pa patungong Valencia City nang mahulugan ng bato ang windshield ng sasakyan na tumama rin sa mukha ng biktima.
Nawalan ng malay si Baguio dahilan para mawalan ng kontrol sa sasakyan na dumire- diretso sa gilid ng kalsada.
Nakaligtas ang kasama ni Baguio ngunit nasawi naman ang opisyal.