Hiniling ng mga gobernador sa Task Force Against COVID-19 na payagan ang testing para sa mga biyahero sa entrada pa lamang ng mga lalawigan upang ma-check na ang mga asymptomatic carrier.
Sinabi ni Marinduque Governor Presbitero Velasco, pangulo ng League of Provinces, na nais ng maraming gobernador na magkaroon muna ng COVID-19 testing sa point of entry, sa halip na point of origin, para aniya mabatid nila kung positive ang papasok na biyahero.
Marami aniya ang asymptomatic at kung gagamitin ang nakasaad sa resolution 101 na clinical exposure assessment, hindi makikita doon kung positibo ang papasok dahil marami ang asymptomatic carrier.
Una nang inaprubahan ng IATF ang pag-aalis ng ilang dokumento tulad ng travel authority, medical certificate at pag-quarantine kung mayroong mga sintomas para sa mga turista.