Nagbabala sa publiko ang Provincial Health Office (PHO)-Sorsogon na doblehin ang pag-iingat kaugnay sa patuloy natumataas na kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Field Health Technical Services Sanitary Inspector IV Jeanelita Avanica, nangungunang tinatamaan sa nasabing sakit ay ang mga kabataang nasa edad 10 pababa.
Sinabi ng opisyal na umabot na sa 576 ang bilang ng naturang kaso na pinakamaraming naitala sa Lungsod ng Sorsogon kaya dapat na panatilihin ang pagiging malinis sa sarili partikular na ang paghuhugas ng kamay at katawan.
Kailangan din na mas mapalakas ang resistensya ng bawat isa at panatilihin ang pagsusuot ng face mask dahil madali itong makahawa.