Hiniling ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gobyerno ang provisional authority para sa implementasyon ng Camarines Sur-Catanduanes Interconnection Project.
Layunin nitong magkaroon ng access sa mas maasahan at maayos na generation power source ang mga consumer sa Luzon grid.
Sa inihaing aplikasyon sa energy regulatory commission, inihayag ng NGCP na umabot sa 15 megawatts ang peak demand sa Catanduanes noong 2020 pero ang total contracted supply lamang ay 10.18 megawatts.
Ipinunto ng grid operator na hindi kayang i-accommodate at sumabay ng mga power plant sa Catanduanes sa lumalaking demand sa kuryente.
Kailangan anilang ipatupad ang isang long-term solution para sa mas maaasahang power supply hangga’t maaga lalo’t mayroon lamang ang NGCP na apat na taon bago tuluyang makumpleto ang implementasyon ng CCIP.
Kabilang sa proposal, maglalagay ng submarine cables at overhead transmission lines upang suportahan ang lumalaking power demand sa isla at isulong ang socio-economic development sa pamamagitan ng economic plans at programa ng gobyerno.