Nakaranas ng aberya ang biyahe ng MRT-3 makaraang may makitang usok malapit sa pintuan ng isang tren.
Batay sa abiso ng DOTr, dakong 1:36 ng hapon nang huminto ang tren ng MRT na biyaheng southbound sa pagitan ng GMA – Kamuning station at Araneta – Cubao station.
Dahil dito, pinababa ang mga pasahero at naglakad ang mga ito sa riles patungong Cubao station.
Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection at binomba ng tubig ang nasabing bagon.
Ayon sa ontrol center ng MRT, galing sa ilalim ng upuan ang usok dahil maaari umanong may nagka problema na electric components sa loob nito.
Sa ngayon ay naibalik na sa depot ang nagkaaberyang tren.
Nagpatupad naman ng provisional service ang MRT kung saan mula Shaw boulevard hanggang Taft stations lamang at pabalik ang biyahe