Inilatag ng gobyerno ng China ang mga planong proyekto na magpapatatag pa sa ugnayan ng dalawang bansa.
Ito ay nakapaloob sa nilagdaang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Beijing, China.
Samantala, ang ikalawang kasunduan ay nilagdaan ng ceremonial turnover ng drug treatment facilities na itatayo sa Sarangani at Agusan del Norte sa pagitan nina Ambassador to China Jose Santiago sta. Romana at China’s Minister of Commerce Zhong Shan.
Karagdagang rehab centers, nakatakdang itayo sa bansa
Nakatakdang itayo ang mga karagdagang rehabilitation center sa bansa matapos magkaroon ng lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng ‘grant-aid’ o utang sa China para madagdagan ang mga pasilidad na gagamitin sa rehabilitasyon ng mga Pinoy na lulong sa ipinagbabawal na gamot.
Kaugnay nito, naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na naging mabunga ang Belt and Road Forum na kaniyang dinaluhan sa Beijing.
Daan ito umano upang mas mapatatag pa ang relasyon ng Pilipinas at China batay sa tiwala, respeto at pagkakaibigan na inaasahang yayabong pa sa mga darating na taon.