Abot kamay na ang pagtatapos ng LRT line 2 – East extension project.
Ito ay matapos ipabatid ng Department of Transportation na nasa 96. 29% nang tapos ang naturang proyekto.
Dahil dito inihayag ng DOTr na nakatakda nang pasinayaan ang proyekto sa April 26 at kinabukasan, April 27 ay kaagad namang gugulong ng partial operations nito.
Binigyang diin ng DOTr na malaking ginhawa ang dala ng naturang proyekto na mag-uugnay sa Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal sa pamamagitan nang pagdurugtong ng Santolan station at dalawang dagdag na istasyon papuntang Antipolo sa Rizal.
Magiging 40 minutos na lamang anito mula sa dating tatlong oras na biyahe mula Recto sa Maynila patungong Antipolo kapag naging operational na ang LRT 2 east extension project na bahagi ng Build, Build, Build infrastructure program ng Duterte administration.